just whatever Tuesday, February 06, 2007
(Friday, September 15) i dont know who wrote this one..but trully its nice..
Tingin sa akin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bang0-bang0 ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito,dahil dito naletse ang kinabukasan ko. Halika at makinig ka muna sa kwento ko. Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Sikat ka sa lahat, VIRGIN eh! Tinanggap konaman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na kase di sila tagarito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreighers ang namyesta sa katawan ko, na-rape daw ako? Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya.Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko. Parating ang dami naming regalo - may chocolates, yosi, at ano ka....may datung pa! Nakakabaliw siya alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit nman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag- Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Yun nga lang, lahat ng bagay may kapalit. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. Ewan ko nga ba, akala ko mapapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasany sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang pa ata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin. Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun mga nasa Japan, Hongkong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. hAlos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko maski amoy usok ako. Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na namamantala sa kabuhayan at kayamanang itinabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos maka ahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap. Ang di ko inakala na mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala sa akin ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tangga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak. Kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa. Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang tulad ko. alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko lahat para sa pagmamahal ng sa tuwing titingin ako sa salamin, alam kona maganda pa rin ako.
"INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMN AKO!". Salamt ha, pinakinggan mo ako. Ay sorry di ko pala nasabi pangalan ko. PILIPINAS pala ang pangalan ko! .
1 comment:
Thank you for re-posting my article.
Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.
If you wish to get updates on the upcoming "Minsan may Isang Puta" short film entry by Urban Tribe's Sarah Roxas @ the "Ganap na Babae"-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us - HERE's TO A BETTER PHILIPPINES!
JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall
"Minsan may Isang Puta" was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it's way to blog sites, fora, search engines and now on film.
Post a Comment