Feb 14, 2008

=(

Marami akong gustong gawin
di ko nga lang alam kung anong uunahin
Marami akong nasimulan kaya't sa pagtapos ng mga ito ako'y nahihirapan
Marunong naman ako sa maraming bagay
kaya nga lang minsan sumasablay
Sa dami ng gusto ako..... tuloy ako'y nalilito.


Nais kong umawit ng kantang di nyo pa naririnig
...sumayaw ng walang tugtog
...sumulat pero walang maisip
Sumigaw ngunit walang lumalabas na tinig sa aking bibig!!!


Nahihirapan na akong magkunwari
...tumawa kahit nasasaktan
...kinakaya kahit nahihirapan
...umiyak ng walang dahilan
....magtimpi kahit punong-puno na!!!


Natatakot ako sa kung anong pwedeng mangyari ngayon at sa hinaharap
...mamatay nang walang nagagawa...
...mabuhay ng walang silbi..
Natatakot akong isipin ang mga bagay na hindi imposibleng mangyari...


Gusto kong mabuhay
malaya at masaya...
tumulong sa aking kapwa..
magpasaya
..magbigay ng pag-asa sa iba...








...........paano??
---------------------
Wow! it's been two months.. lol... HAPPY NEW YEAR!! I've had a great Christmas and New year Celebration... I'm not that super nah.. so I'll start posting na naman... Ahhhh So Nice to be here again...

No comments: